Malala na ‘to. Pag walang nare-record na NCIS episode sa dvr, masama na ako. On one such occasion, naghanap talaga ako online ng pwedeng mapagpanooran ng full episodes from earlier seasons. Wouldyabilib, meron??!?? Thank God for the internet!
Kelan lang naman ‘to nagsimula. Kung kelan nagsihinto na for the winter holidays ang broadcast nung mga shows na sinusubaybayan ko – The Mentalist, Supernatural, Bones, (at paminsan) Criminal Minds. Although panood-nood na rin ako ng NCIS dati, parang ika nga sa pagkain eh, pantawid gutom lang siya. Pero one time, nakapanood ako ng magkasunud-sunod ata na episode yun. Hala, hinanap-hanap ko na! Sa wakas, may bago akong kinaadikan na show! Nakakasawa rin pala Friends at Sex and the City reruns
.
Iba tong show na ‘to eh. Maganda ang group dynamics nila; ayos din ang chemistry onscreen. Di siya kasing heavy drama ng CSI lineup, pero forensics din siya. Sure may dramang konti pero balanse with ka-kwelahan. Above all, may central figure na mala-paternal at mala-leader ang dating – kinda like CSI Miami’s Horatio Caine but with less sunglass-twirling and more gravitas (with a hint of a smile). At for my money, etong cast nila ngayon ang the best so far; mas gusto ko si ass-kicking Ziva kesa kay prudish Caitlin, si Director Vance kesa kay Director Shepherd (Lauren Holly), si McGee (kasi dati pa-singit singit lang siya), at si Jimmy Palmer (kasi dati, seryosong character ang assistant ni Ducky).
At one point, kala ko maka-cancel na sila eh – pero turns out, the ratings have gone nowhere but up – as in every season angat ng angat ang rankings nila. Yey! Means more NCIS!!!
Oki tama na. Nako-cornyhan na ako masyado sa sarili ko. Mag-blog ba tungkol lang sa isang show??!!
Posted by Meeya on January 18, 2009 at 6:07 PM
i used to have an addiction to ‘charmed’ ‘heroes’ and ‘csi:miami’, kaya lang nawala rin eventually. isa lang kasi ang tv namin so mas priority ang entertainment ng senyorita ko.
anyway, american idol has started. kahit nako-kornihan ako, papanoorin ko pa rin, hehe! at least, kasundo kami ni ninna manood nun.