Tats

Gusto ko magpa-tattoo.  Kaso di ko magawa-gawa kasi gusto ko muna mag-donate ng dugo.  Kaso tagal ko nang pina-plano di pa rin ako nakakapag-donate.  Lintek na procrastination to!

Nung una, ayoko talaga ng tats kasi, iniisip ko, pag kinailangang mag-donate ako ng isang kidney sa asawa ko (kasi na misdiagnose before si B), eh baka kako di ako makapag-donate dahil lang sa tattoo.  Eh di naman pala apektado yun, yung sa dugo lang daw.  Osha, kako, na-revive ang aking interes.

Tapos, nabasa ko itong isang article online sa CNN about tats and the workplace.  Not a good mix.  Kala ko pa naman medyo mas liberated mag-isip mga tao dito, di pa rin pala.  Hindi pa rin maaalis yung discrimination against persons with piercings, and/or body art.  So karamihan, strategic na lang ang pagdadamit, para di kita.  Kadalasan eh long sleeved tops.  Eh pambihira, pano nga naman kung 100 degrees Fahrenheit sa labas at halimbawa eh mahina ang aircon niyo sa office? Di nalintikan na?

Heniweys, di pa naman ngayon at unang-una, malaki pa masyado yung canvas :D  pangalawa, alaws naman akong datung eh apparently mahal magpagawa dito.  So di ko pa rin talaga magagawa ‘to ngayon.  Pero pag natuloy na, balak ko, sa likod na lang… atchaka sa batok… saka baka isa rin sa may forearm… at isa pang butas sa may taas ng tenga. Ah, bahala na! :mrgreen:

Respond to this post