Woohoo!!! Nanalo na naman si Pacquiao! Alam ko mababaw pero nung tinanong ko yang title na yan sa sarili ko, bakit nga naman hindi? Alam ko rin nadagdagan na naman milyones niya, pero ano ngayon? Wala naman akong pakelam sa pera niya eh, pinaghirapan niya yun. Nagkandabasag-basag ang panga at ilong niya para kumita ng ganon. Pano ka di hahanga sa tao na ’to, lagi niyang hinahangad manalo dahil alam niya dadagdag yun sa ikatataba ng pusong Pinoy. Ewan kung press release yung sinasabi niya, pero tingin ko hindi. Napaka-simpleng tao nito eh. Bakas talaga sa mukha niya na gusto niyang manalo dahil gusto niyang may maipagmalaki ang Pilipino. Alam niya, madalas tayo daragin ng ibang bansa, eh mano man lang makilala tayo sa larangan ng palakasan? At bawat tapos ng laban, kita mo kung Sino ang una niyang pinasasalamatan di ba? Kaya ganon na lang ang paghanga sa kanya ng Pinoy eh. Subukan mo maglakad sa mga kalye, sa Maynila halimbawa, itaon mo na may laban si Pacquiao. Tingnan mo kung may masasakyan kang jeep o tricycle. Walang pinipili yan ha? Mapa-babae o lalaki, matanda man o bata, nakatutok yan sa TV. Wag mo na ring balaking bumili sa tindahan, istorbo ka lang eh, baka mamura ka pa ng tindera. Ayaw ka maniwala? Hintayin mo yung susunod na laban ni Pacquiao. Tapos, ipagtanong mo na rin kung bakit namatay si FPJ (sumalangit nawa).
Sana lang magkaroon siya ng mga matitinong tagapayo. Hindi yung mga tipong hihimok sa kanyang tumakbo sa pulitika. Sumemplang siya don eh. Maraming paraan para makatulong sa mga kababayan mo, di mo kailangang makidawdaw sa napaka-salimuot na mundo ng pulitika. Ipaubaya mo na lang yan dun sa mga taong katulad nung mandurugas na nakaupo sa Malacañang. Sori p’re, di ka talaga nababagay sa mundong ‘yan, lalo na kung nasanay kang lumalaban ng patas.
Sa mga eskaparate sa karamihan ng pampublikong paaralan, kadalasan naka-display ang mga litrato ng mga bayaning Pilipino. Siguro naman, di na nakapagtataka kung balang araw eh itabi dun ang litrato ni Pacquiao, katabi ng litrato ng mga OFW. Siguro naman wala nang kokontra.
(photo source: inq7.net archives)
Posted by dphatgirl on October 8, 2007 at 1:02 PM
di ko rin alam ate mee eh. pero aside from that andami pa niyang endorsement deals. so sana naman naka-invest ng maayos no? balita ko nagpapa-balato rin yan sa probinsiya nila kada panalo niya eh.
Posted by Meeya on October 8, 2007 at 10:53 AM
uy totoo ba P300M ang kinita niya sa larong ito? haha! congrats kay manny! kahit hindi ako mahilig sa boxing, napapanood na ako dahil sa kanya.
sana nga magaling ang mga tagapag-payo niya para hindi naman siya mapariwara at para naman hindi mawaldas ang mga milyones niyang pinag-ipunan.